By,
sa tinagal tagal ng paghabol at pangungulit ko sa yo, at long last pinansin mo ulit ako at kinausap. una naninibago tayong kapwa sa sitwasyon dahil medyo matagal din tayong nagkalayo... halos lahat ng pangayayri sa buhay ko ay ikinukwento ko sa yo sa mga txt ko sa yo nun, kahit deadma ka lang at walang reply, kaya alam mo kung ano ang nangyayari sa akin. ngunit sa yo wala akong idea what went on to your life this past few months.
so sa madaling salita, we gave ourselves a chance again... you gave me a chance again... we started from going out and talking on what went through with our separate lives then... things started to look good, i guess. I was thankful , very thankful that you're talking to me again. we dated, we go out, but unlike before no hanky panky yet... we were fine, i guess, aside sa madalas mong pang aaway sa akin at pagbalik ng kamalian ko dati... sabi mo, when u're calling in the wee hours, as much as possible, wag ko sagutin, dahil malamang lasing ka na naman at gagawin mo na naman akong outlet ng anger mo...
kaya, one early morning, you were repeatedly calling on my celfone... I ignored a few calls, but the calling kept on, so after maybe 9 or ten calls, I decided to pick up and talk to you...on the other side of the line, I heard you crying at nagtatampo ka na hindi ko sinasagot ang tawag mo at sinabi mong "hindi ko naman dapat seryosohin ung sinabi mong wag kitang sasagutin pag madaling araw ka tumatawag"... hay naku, sino ba mas magulo sa ating dalawa?
pinapunta mo ako sa inyo, at gusto mo kamo akong makausap, importante... dali dali akong pumunta sa inyo. nadatnan kitang nakahiga at umiiyak... medyo nakainom ka kamo at masama ang loob mo dun sa work mo. ayaw mo na kamo ng ganyang buhay at gusto mo ng magbago... natuwa ako sa narinig ko... ayaw mo pa akong paalisin at sabi mo samahan lang kita hanggang sa makatulog ka... sobrang na miss kita By, kaya gustung gusto kitang tabihan sana kahit maghapon, kaso tumakas lang ako sa bahay kaya hindi ako pwedeng magtagal. tinabihan lang kita hanggang sa makatulog ka at umalis na din agad ako...
Natuwa ako sa narinig ko na gusto mo ng magbago at gusto mong iaalis na kita sa gnung buhay mo at sabi mo magpapakabait ka na. lalo na sa akin... natuwa ako pero, natakot din, dahil sa sitwasyon ko ngaun... alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang akuin ngaun dahil nasa financial crisis ako ngaun... hindi kita kayang suportahan ngaun... tapos sumabay pa na may kaso ako.... bakit ba ayaw makisama ng pagkakataon sa ating dalawa... hindi ko muna sinabi sau ang buong katotohanan... sinabi ko lang sau na unti untiin natin...
sorry By, sa sobrang takot ko na mawala ka ulit sa akin, hindi ko sinabi ang buong totoo, sinabi ko lang kung ano muna ang kaya ko... akala ko, i can work my way out of the mess I'm in, in time to set up our life together...
So OK na tau... we're talking and in good terms ulit... hanggang sa tumawag ka ulit at pinapapunta mo ako sa inyo dahil may emergency kamo... dali dali naman akong pumunta sa inyo na halos lumipad ako... pinagmayabang mo pa sa mga kasama mo sa bahay na hindi ko nagagawa sa iba ko ung nagagawa ko para sa yo... alam mo pala By eh, bakit pinahirapan mo ako nang matagal?
So ayun, diniscuss mo sa akin na kailangan nyong lumipat ng bahay dahil nasabit sa isang problema ung kasama nyo at pati kayo nadamay kaya kailangan nyong umalis sa bahay nyo at maghanap ng ibang malilipatan... so madaling salita, sinamahan kita... pero kailangan ko din umalis na naman agad dahil may mga kumpromiso ako nung araw na un... pero usapan natin, babalitaan mo na lang ako at i uupdate sa kalagayan mo...
then nung gabi nga, eto na, tumatawag ka na. at sinabi mo na nag escalate na ung sitwasyon at hindi na kamo kayo pwedeng mag stay within cavite, kailangan nyo ng lumabas ng cavite... nagpapasundo ka sa akin at nagpapahatid sa terminal ng bus para kamo makauwi kayo sa pampanga... naisip ko nman noon, na humiwalay ka na lang sa mga kasama mo at ihanap na lang kita ng matitigilan dito sa cavite... pero, syempre naisip mo, hindi mo naman pwede iwan ung mga kasama mo...
So ayun ulit, eto ako, punta agad sau... may sususnduin sana ako nung gabing iyon, pero inuna na naman kita. pinaghintay ko ung sususnduin ko hanggang sa masundo at maihatid ko kayo ng mga kasama mo sa istasyon ng bus... mag aalas dose ng hating gabi na yata ako nakabalik dun sa susunduin ko... kung hindi lang talaga kita MAHAL By, oo?
Umuwi ka ng pampanga, hindi sigurado kung saan kayo tutuloy... biglaan, walang kasiguraduhan at wala kayong dalang pera, dahil hindi nga napaghandaan... Umaga... may long bike ride kami ng mga ka grupo ko, kahit hindi ako masyadong nakatulog dahil nga sa sitwasyon mo, tumuloy pa rin ako sa ride namin... eto na nagttxt ka na, nagpapaload ka sa akin dahil may tatawagan ka kamo at ng magawan mo ng paraan kung saan kayo tutuloy... pare pareho na kaung stressed at pagod, kaya mainit na naman ang ulo mo... dahil nasa ride nga ako, medyo natagalan ang pagpapaload ko sau... inaway mo n naman ako sa text... ako na naman ang ginawa mong outlet... hindi tuloy ako maka concentrate sa ride namin dahil naiisip kita...
It was a very long day for the both of us, dahil lahat ng pagod, puyat at hirap na dinanas nyo sa pag aayos ng sitwasyon nyo, eh ako lahat ang ginawa mong outlet... I was at the receiving end of every curse and anger of yours... I explained na wag mo naman sa akin ibunton lahat ng galit mo dahil wala naman akong kinalaman jan sa sitwasyong napasukan nyo, ako pa nga ang tumutulong sa yo eh... Nagulat ako, tumanggap ka ng paliwanag mula sa akin at nag sorry ka...nagbabago ka na nga ata By...
Dumating ang gabi, while constantly monitoring your condition, tumawag ka sa akin at sinabi mong after all the stress, pagod at puyat nyo, you didn't come to an agreement sa mga kasama mo and you decided to go home to your folks' house... salamat, mapapahinga na rin tayong lahat... you wanted me to accompany even if just on the phone while your travelling there.. at yun ang ginawa ko... pati ako pagod at stressed sa nangyari sa inyo, sa iyo...napaka kulay talaga ng buhay ko pag kasama kita!
Lumagi ka na sa pampanga mula noon, may constant communication at kumustahan tayo... tawag at txt from time to time... lumipas ang ilang linggo, gusto kitang ibalik dito sa cavite kaso ayaw mo... gusto rin kitang iluwas ng manila at dun maghanap ng matutuluyan kaso, krisis nga ako... ang kaya ko lng muna ay suportahan ang basics mo... hindi ka nman humihingi dahil alam kong dumidiskarte ka rin jan... wala namang problema sa akin un dahil thankful nga ako na naging OK ulit tau, kaya hindi na ako nag expect at nagdemand ng kung ano pa man... at isa pa malayo ka at wala naman akong magagawa noon...
pero dumating ang isang araw at sinabi mong sawa ka na jan sa inyo at gustung gusto mo nang lumuwas sa manila o kahit sa cavite... sabi ko gagawan ko ng paraan. sakto namang may naraket ako at sasapat un para sa pang upa mo ng bahay... ayos na sana, nakakagawa na ko ng paraan at dumadating na mga trabaho para sa akin... pero pumutok ang kaso ko at medyo kailangan kong mag laylo... hindi pwedeng lumutang ng lumutang... pero sabi mo na gusto mo na talagang lumuwas....
nagkasundo tayo na unti untiin natin, ihahanap muna kita ng bahay na uupahan bago ako lumayo... sinabi ko sau ang sitwasyon ko, pero hindi ko sinabi sau kung anong kaso ko... maraming beses tayong nagplano na magkikita para ihanap ka ng bahay dito... sa cavite ang napagkasunduan natin... nagkasundo tayo... nagkita tau at naghanap ng bahay, pero bago natin nakuha ung bahay, nag away na naman tayo... ang gusto mo suportahan kita habang andito ka, na hindi ko naman kaya dahil lalayo nga ako. kung sarili ko nga hindi ko alam kung paano ko susuportahan sa tago eh... ang sinabi ko aayusin ko muna place to stay mo bago ako umalis... walang katapusang away at sumbatan na nman ang nangyari sa atin... sobrang sama ng mga nasabi na laging nauungkat ang nakaraan...
nag walk out ka at nagdecide na umuwi ng pampanga, alas diyes na ng gabi un, magkatxt pa rin tayo sa phone at nag aaway... pinaliwanag ko sau ang side ko kaso, sarado isip mo... away pa rin tayo... hanggang sa nagsawa na ko at nagpaalam na ako sau... pinaliwanag ko sau na kung ayaw mo kumuha ng bahay, hindi naman kita pipilitin... ibibigay ko na lang sana ung pang upa sa yo para may magamit ka at ikaw na lang magdecide kung ano ang gagawin mo, dahil malalayo nga ako...
nasa terminal ka na ng bus pa pampanga ng magbago ang isip mo at sabi mo kukunin mo na lang ung dapat na ibibigay ko sau... nanibago ako sa u, sa unang pagkakataon, kinain mo ang pride mo at pinakita mo un sa akin... sobrang dami ng sinabi mo sa akin, pero eto ka at kukunin mo ung dapat na ibibigay ko sau...
bumalik ka para kunin ang pera, tumatawag at nag ttxt ka sa akin habang daan mo para sabihin kung saan tayo magkikita... sa sakit ng nadarama ko, naisip ko na wag ka siputin... pero hindi tlaga kita matiis... naisip ko na talagang kailangan mo kaya nagawa mong lunukin ang pride mo... kaya kahit ganun, nagdecide ako na puntahan ka... hindi mo lang alam, ngaun ko lang sasabihin, na kailangang kailangan ko din ung pera na un, kaya nagdalawang isip ako... pero mas matimbang ka talaga sa kin, MAHAL KITA By eh... pinuntahan kita at ibinigay ang pera na sana ay gagamitin ko sa pag aayos ng gusot ko....
nung makita ko ang itsura mo nung gabing iyon, pagod, namumugto ang mata sa pag iyak, nadurog ang puso ko... hindi ko kayang makita ko na gnun ka... isang matapang at proud na babae, hindi ko inaakala na makikita kitang gnun, at ayaw ko... nag usap tayo, medyo matagal... hindi maiwasan na maibalik ang mga mali ng nakaraan... maraming beses na akong humingi ng tawad at ayaw ko ng balikan ang mga mali natin nung una... nagkapatawaran tayo... mabait ka na sa akin By... minsan naisip ko na sana lagi ka na lang gnun para hindi mo na ako inaaway, mabait ka na sa akin, at nakakausap na kita ng maayos... pero syempre, ayaw kong ganun ka, mas gusgustuhin ko pang inaaway mo ako at sinusungitan kaysa makita kitang malungkot at nasasaktan... ramdam ko ang takot at sakit ng damdamin mo noon, at ayaw kong nakikitang gnun ka... nadudurog ang puso ko By....
natapos ang usapan natin, nagkapaalaman tayo... sabi ko sau hindi muna ako magpaparamdam sa u dahil aayusin ko muna ang buhay ko, pero babalikan kita once maayos ko na... ang sabi mo wag!, sabi mo mag paramdam ako sau kahit papano... so pumayag ako, kasi alam ko din sa sarili ko na hindi ko kayang hindi mag txt man lang sau... naging maayos tayo nung gabing un, for the first time nakausap kita ng maayos at seryoso...
uuwi ka na ng pampanga kinabukasan, kaso hindi ko matiis na hindi ka makita at magpaalam sau bago ka umalis. gumawa ako ng dahilan para makita ka at makapag paalam man lang sau...
tinawagan kita at nagkita tau... inabutan pa kita ng dagdag na panggastos mo... huling pera ko na yun, pero naisip ko na mas madali naman akong makagawa ng paraan kaysa sau... saka hindi talaga kita matiis eh... sa paalaman natin, pinangako ko sau na kahit maging matanda ka na at kahit na ano ang maging itusra at kondisyon mo, hahanapin pa rin kita at gugustuhing makasama sa buhay ko... natawa ka lang at sinabing ano ang gagawin natin kung matatanda na tayo? ang sabi ko, magkukulitan lang tayo at mag aasaran araw araw, gaya nung ginagawa natin dati... wala na siguro tayong sex nun, kasi hindi mo na kaya, biro ko pa... masaya na naman tayo nung pagkakataong un... sinabi ko sa yo ang mga plano ko at sinabi kong hindi ako nagbibiro... sinabi mo ring maghihintay ka at hindi ka rin nagbibiro... masaya akong marinig un sa mga labi mo... pwede na kong mamatay sa mga panahong un...
umalis na ako, hindi ko na hinintay na sumakay ka ng bus... nag txt txt na lang tau, alam ko matagal na ulit kita makikita. nangingilid ang luha ko sa mata habang naiisip ko un... sa maikling panahon ang dami ulit nangyari sa atin... ewan ko ba kung bakit ayaw makisama ng pagkakataon sa ating dalawa? parang ayaw na magkasama ulit tayo...
lumipas ang mga araw at linggo, nakuntento ako sa tawag at txt lang sa pagitan nating dalawa... araw araw hinahanap kita, namimiss... kahit nung mga panahong nag hiwalay tayo, hindi ako tumigil ng pagmamahal at pangungulila sa yo... lalo na ngaung nagkaayos na tayo ngunit malayo sa isa't isa...
lumipas pa ang ilang araw, tumawag ako, the usuals... pero biniro kita na lumabas naman tayo minsan... hindi ko inaasahan na papayag ka dahil malayo ka nga at isa pa, nagbibiro lang ako dahil wala nga rin akong pera nung pagkakataong un... pero sumagot ka ng oo, at nag set tayo ng petsa kung kelan tayo lalabas. nagkasundo tayo na magkikita sa manila... naku, sabi ko lagot, napasubo na naman ako... kailangan ko tuloy gumawa ng paraan para magkaroon ng panggastos...
palapit ang araw ng napagkasunduan, pero hindi ako nag fofollow up sau... akala ko nga nalimutan mo na rin... dumating ang araw, pero hindi tayo natuloy, akala ko biro lang din sau un... pero nung mag usap tayo ulit at sabi mo "akala ko ba idedate mo ako?" sabi ko, naku patay, naalala mo pala... sinagot kita na hindi ko tinuloy dahil malabo ang usapan, sabi ko mag set tau ng mas planado para matuloy na... pumayag ka at nag set ulit tayo ng petsa, nagkasundo tayo na manonood ng sine... saka gusto ko overnight para maka score ka ulit sa akin, hehehe...
palapit ulit ang araw, nag follow up na ko sau, dahil gusto na rin kitang makita... wala pa rin akong pera, pero bahala na... nagkasundo tayo, pero nabago ang petsa, pero siniguro ko na tuloy na at dadating ka... inasure mo rin sa akin na matutuloy at pupunta ka...
dumating ang araw ng pagkikita... nagtxt ka at nagtanong kung tutuloy ka pa? naliligo ako noon at nadismaya sa txt mo, sabi ko mukhang malabo na nman to... pero tinxt kita at sinabing tuloy at wag mo ko iindianin...
sabi mo tinatamad ka at sabi mo tawagan kita at ayaw mo ng txt lng ako sasagot... naliligo pa ako, kaya hindi kita matawagan agad... nagdadahilan ka na naman para hindi tayo matuloy... tumawag ako at kinumbinsi kita na tumuloy na... nakumbinsi naman kita kahit naiinis ka at tinatamad ka kamo talaga...
nag ayos ka na at umalis sa inyo... pumunta naman sako dun sa isang raket ko para dumiskarte ng pera... habang naghihintay, nagtxt ka at pinag mumura mo ako sa txt... sabi mo ang tagal mo ng naghihintay ng bus [pero wala kang masakyan, puro puno at tayuan... nabubusit ka kamo at naiinis sa akin kung bakit pa kita pinilit pumunta... pinaliwanag ko naman na matagal na nating usapan un... masakit na kamo ang mga binti mo at nagugutom ka na, panay pa rin ang mura mo sa akin at tinawagan mo pa ako para lang murahin... Ang bait mo talaga sa akin By! sabi mo pa sa cubao na lang kita sunduin dahil un lang kamo ang bus na medyo maluwag na masasakyan mo... sabi ko kahit jan sa pampanga, susunduin kita... sa madaling salita, nakasakay ka na at nagbyahe....
naghintay ako ng txt mo, at pagkatapos ng halos dalawang oras, sabi mo malapit ka na at umalis na ko para sunduin ka sa cubao... umalis agad ako, nasa taguig ako...
inabot ako ng traffic sa edsa at halos 2 oras din inabot ng byahe ko papuntang cubao... nagtataka ako na sa byahe ko at pag dating sa farmers plaza, wala akong natanggap na txt sau, gayung sabi mo eh malapit ka na, nkalipas na ang 2 oras nun ng mag txt ka. eh sa inis mo kanina, alam kong lalo kang maiinis kung ma late pa ako... pero wala akong txt na natanggap, naisip ko tuloy gumanti ka, hindi ka tumuloy magbyahe , tapos pinapunta mo ako ng cubao para inisin lng din...
Hindi na ko nakatiis, tinxt at tinawagan kita... hindi ka sumasagot, lalong lumakas ang hinala ko... pero sumagit ka rin, sininghalan mo na naman ako... I love you talaga By... natraffic ka din pala...
sinundo kita sa bus station matapos ang maliit na away ulit natin, syempre ako na nman ang sumuko, ano pa ba ang bago? nagkita tayo malapit sa bus station na binabaan mo, nagtaxi tayo pabalik sa kung saan nakaparada ang jeep ko... kumalma ka naman at naging ok na ulit tayo... Nag kwetuhan tayo at kumain dahil pareho na tayong gutom.... hindi na tayo makakanood ng sine dahil pasado alas diyes na at ayaw mo na rin nman, kaya nag food trip na lang tayo...
matapos un, nagpunta tayo sa baclaran para bumili ng tsinelas pamalit sa heels mo... bakit ba naman kasi nag suot ng "tiis-ganda" eh ako lang nman ang kasama, alam nya naman na makasama ko lang cya solved na ko... matapos bumili, nag punta tayo sa malimit natin tambayan nung nagsasam pa tayo, sa bahay na walang kusina at may salamin sa kisame... masaya ko ng gabing yun dahil magkasama ulit tayo...
sa loob, madami tayong pinag usapan pero halos kwentuhan lang at mga bagay bagay, walang seryoso...
nung dumating ang pagkakataon na magkatabi na tayo, naninbago tayo kapwa.. lalo na ako, marami ng nagbago sa ating dalawa, lalo na sau... medyo nagkailangan pa tayo ng konti...
hindi ko na idedetalye, pero sa madaling salita, nangyari ang dapat MGA mangyari... at alam mong hindi pwede sa akin ang isa lang, hehehe...
naging masaya ako na nagkasama ulit tayo, gang umaga.. ayaw ko pa ngang humiwalay sau pero, kailangan nang umuwi ng By ko para makapag pahinga...
goodbye again, umuwi ka at inihatid kita sa sakayan ng bus, sa cubao... magkahiwalay na naman tayo...
txt at tawag na naman ang sabi ko na meron tayo... ganun talaga!
pero nitong mga nakalipas na mga araw, hindi mo na ako sinasagot sa txt or pm sa fb... ang tagal mo na rin sagutin ang tawag ko... hanggang nung isang araw, hindi mo talaga ako sinagot, kahit sa txt kahit tawag....
nabuwang na naman ako, inisip ko tuloy kung ano na nman ang nagawa o nasabi kong mali sau...
tumawag ulit ako at sinagot mo naman, nagdahilan ka, alam kong nagdahilan ka lang... hindi naman ako manhid By para hindi maramdaman... hindi mo naman sinasabi ang totoong dahilan kung bakit nanlalamig ka na nman sa akin...
kinulit pa rin kita, at sinabi mong wag na akong mag alala, dahil gaya ng lagi mong sinasabi, anjan ka lang kamo, hindi ka mawawala... kumalma naman ako pero iba pa rin ang pakiramdam ko....
hanggang sa lumipas na araw nga gnun na naman, nasasaktan ako na hindi mo ako pinapansin ulit... hindi ko naman alam ang dahilan at ayaw mo namang sabihin... sabay sabay na ang problema ko, nagkakaganyan ka pa By...
deadma na naman ako sau... di ko alam kung bakit....
sana sa susunod na kabanata ng masalimuot nating istorya, pag naayos ko na ang lahat, at nai set up ko na ang mga kailangang ayusin, sana magkita pa ulit tayo... at sana mahalin mo na rin ako ng totoo... handa na akong manahimik sa piling mo By... pero ikaw parang hindi ka pa sawang mag enjoy eh... kaya hihintayin na lang kita... sana sa pag dating ng panahong un, ipakilala mo na rin sa akin ung tunay na Nichol Jane Lacuban Rivera... ung tunay na ikaw By....
mahal na mahal kita By...
ang iyong Dear,
Joel