Riddle me this, riddle me that, riddle riddle on the wall... hehehe
Kaibigan, ito ang pitak ng blog ko na susubukang buhayin ang isa sa paboritong libangan ng mga nununo natin noong panahon na hindi pa uso ang telebisyon at radyo. Proud to say na naranasan kong makipag palitan ng bugtong noong panhon ng kabataan ko...
(Katangian ng bugtong - ang bugtong ay karaniwang may sukat, tugma at talinhaga.)
1. Ang dalawa ay tatlo na,
ang maitim ay maputi na,
ang bakod ay lagas na!
2. Lumalakad walang paa
lumuluha walang mata.
3. Naligo si kapitan,
hindi nabasa ang tiyan...
4. Nag saing si hudas,
kinuha ang hugas,
tinapon ang bigas...
5. Nakaluluto'y walang init,
Umaaso'y malamig...
6. Nagsaing si kurukutong,
kumukulo'y walang gatong...
7. Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin...
8. Nagtanim ako ng dayap
sa ilalim ng dagat,
marami ang nagsihanap,
iisa lang ang nagkapalad...
9. Ngipi'y mga buto,
may buhok ngunit
walang ulo...
10. baboy ko sa sorsogon
kung di sakyan di lalamon...
11. aso kong si puti,
iniwan ko sa lati,
hindi na umuwi...
12. isda ko sa mariveles,
nasa loob ang kaliskis...
13. baboy ko sa pulo,
balahibo'y pako...
14. duwag ako sa isa,
matapang ako sa dalawa...
15. isang butil na palay,
napupuno ang buong bahay...
16. nung aking pinatay,
saka humaba ang buhay...
17. munting bundok,
hindi madampot...
18. ibinato ko sa lupa,
sa ilong ko tumama...
19. nanganak ang birhen,
itinapon ang lampin...
20. nanganak ang aswang,
sa tuktok nagdaan...
21. bata pa si nene,
marunong nang manahi...
22. sa umaga'y diyan ka na,
sa gabi'y halika...
23.
No comments:
Post a Comment