(An Open Letter for Nichol Jane Rivera)

Isang Bukas na Liham para kay Nichol Jane Rivera
(An Open Letter for Nichol Jane Rivera)

By,

Please read this...

By,
I know marami na tayong nasabi sa isa't isa na hindi maganda at marami na ring nangyari mula ng maghiwalay tayo.Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ikaw pa rin ang hinahanap ko. Oo, nasaktan kita nung iwan kita, pero hindi mo lang alam kung gaano kasakit sa akin na gawin un. Sinabi mo iniyakan mo ang pangyayaring iyon ng ilang araw, pero ako simula ng araw na un, hanggang ngayon, dinadala ko pa rin ang sakit ng ginawa ko. Pinilit kong bumalik sa 'yo to the point na magmakaawa na ako, pero matigas ang loob mo. Hindi ko alam kung nais mong maghiganti sa akin.Galit lang para sa akin ang naramdaman mo kaya lalo mo akong sinaktan sa mga sinabi mo. Sinabi mo pa na masaya ka na sa bago mo at sa buhay mo. Kaya kahit masakit, tinanggap ko ang mga sinabi mo at nagdecide ako na mag move on na lang sa buhay ko. At least alam kong masaya at ayos ka na.

Lumipas ang mahigit isang lingo, hindi na kita ginulo, tiniis ko na huwag tumawag, magtxt o magparamdam man lang sa yo. Akala ko OK na ang lahat, na kapwa na tayo nakapag move on sa kanya kanya nating buhay. Pero dumating ang isang madaling araw, nagulat ako na tumatawag ka sa celfone ko. Kabisado ko ang number mo kahit binura ko na ito sa celfone ko. Buti pa sa celfone, madaling burahin ang alaala, sana ganun lang din kadali na burahin kita sa isip at puso ko. Sinagot ko ang tawag mo, dahil nag aalala ako na baka may emergency ka o anuman  na kailangan mo ang tulong ko. Pero ano ang sinagot mo sa akin, singhal at patutsa. Tapos matapos un, ako naman ang sumubok na tumawag sa ‘yo para magkausap tayo, umaasa na baka sakali, magkaayos pa tayo. Pero ganun pa rin, galit ka pa rin at ayaw mo pa rin akong kausapin nang maayos. Pero sadyang makulit ako, tinawagan ulit kita at tinanong kung bakit mo ako naalalang tawagan nung madaling araw na un…
Ang sabi mo naghahanap ka ng matinong kausap at gusto mong mag-inom. Pilit na kitang nililimot nung mga panahong un at inaayos ang kung anumang natitira sa buhay ko. Oo By, sirang sira ang buhay ko nung magdesisyon akong iwan ka, at isa un sa dahilan ng paglayo ko.
Nung dumating ang pagkakataong gusto mo ko makausap, tinawagan kita para baka sakali maayos pa talaga natin, pero ano ang sabi mo? Nagbago na kamo ang isip mo at ayaw mo na ulit ako makausap…
Hindi ko alam kung tinutuya mo lang ako para lalo akong pasakitan at gantihan… Kaya tinuloy ko na lang ulit ang buhay na kung ano alam ko…

Lumipas ang ilang araw, nag ring na naman ang celfone ko. Madaling araw na naman, sinagot ko ang tawag mo, ang sabi mo lasing ka at nagpapasundo ka sa akin… Pauwi ka na kamo at malapit na sa inyo. Sinabi ko sa ‘yong hindi ako pwede sa pagkakataong iyon, naisip ko na baka pinasasakay mo na naman ako. Tiniis kita. Nagalit ka…

Dumalas ang pagtawag mo ng dis oras ng gabi at ng madaling araw… May mga panahong gising ako at nasasagot kita. Ganun pa rin ang gusto mo – lasing ka at gusto mong sunduin kita, pero tumanggi ulit ako. Ilang beses ka tumawag at ilang beses din ako tumanggi. Ano ang sabi ko sa yo? Hindi ba sabi ko sa iyo, mag-usap tayo pag sober ka at hindi na ganung lasing ka. Pero ayaw mo, gusto mong ora mismo puntahan kita at kausapin sa ganung kalagayan. Lalo lang tayong hindi magkakaintindihan kung pinagbigyan kita. Kaya ayun, wala pa rin lalo ka pa ata nagalit sa akin.

Hanggang isang pagkakataon, nung hindi ko nasagot ang tawag mo, nagtxt ka at pinapupunta mo ako sa bahay nyo at gusto mo ako makausap. Sinabi mo na pag hindi pa ako dumating wala na talaga tayong pag asang magkaayos pa. Hihintayin mo kamo ako at hindi ka matutulog…

Hindi ako dumating… Walang dumating… Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ako pumunta, gayong ako itong nagpapakamatay na makipagbalikan sa yo… Marahil mas binigyan ko ng importansya ang trabaho o ang pamilya ko nung pagkakataong un… Hindi ko rin sigurado, marahil akala ko kaya ko na rin tumuloy sa buhay ng wala ka. O kaya marahil naisip ko na nilalaro mo na naman ako at ayaw ko na ulit mapahiya… Hindi ba’t pinahiya mo na ako at sinaktan ng pisikal nung magtungo ako sa bahay nyo isang lingo matapos tayong maghiwalay, akala ko mag-uusap tayo nun para ayusin ang sitwasyon natin. Pero ano ang nangyari, kung anu ano sinabi mo at pinagbuhatan mo pa ako ng kamay… Nasa likod cguro ng isip ko un kaya hindi ako nagpunta…

Matapos un akala ko tapos na talaga…
Akala ko nagsisimula na akong maka get over sa iyo…
Akala ko talaga kaya ko na…

Ngunit, matapos ang ilang araw, eto ka na naman…
Natatandaan ko, kaarawan ko nung tumatawag ka…
Nagulat ako at naalipungatan…Hindi ko alam kung ano na nman ang gusto mo… Pero excited akong naisip na baka naalala mo ang birthday ko.
Sinagot ko ang tawag mo, pero galit at singhal na nman ang bungad mo…
Nagalit ka dahil hindi ko agad nasagot ang mga tawag mo, masisisi mo ba ako kung noon lang ako nagising? Hindi naman tayo pareho ng oras, natutulog din ako. Madaling araw ka tumatawag, pero syempre hindi mo naman tinanggap ang aking paliwanag…
Gusto mo na nman sunduin kita. Pero may importante akong lakad at hindi uubra. So sa madaling salita tinanggihan ulit kita, pero nangako ako na after lunch saka kita pupuntahan! at saka tayo magce celebrate ng bday ko na magkasama, sa isip ko. Pero ano naman ang sinagot mo sa akin? Gusto mo un ding oras at pagkakataong un eh puntahan kita. Nagpaliwanag ako sa ‘yo ng ilang beses kung ano ang dahilan at hindi pwede, sinabi ko sa ‘yo na sa hapon o after lunch kita pupuntahan at saka tayo magkita… Pero matigas ka talaga, sabi mo pa na “pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan” kaya puro ako dahilan… Ako naman itong si gago, pilit pa ring nagpapaliwanag na gusto kitang puntahan, (hindi mo lang alam na gustong gusto na kita makasama nung mga oras na un) kaya lang importante talaga ang kumpromiso ko nung umagang iyon. Pinaliwanag ko pa rin sa ‘yo na sa hapon siguradong pupuntahan kita. Pero nagalit ka na naman dahil hindi ko nasunod ang gusto mo na puntahan kita ora mismo. Binantaan mo pa ko na magpapalit ka pa ng celfone number pag hindi kita pinuntahan ora mismo. Ano ba magagawa ko kundi makiusap sa ‘yo, na huwag mo gawin un… dahil sigurado akong pupuntahan kita sa hapon…  Sa madaling salita, nag away na nman tayo dahil ayaw mong pumayag na hindi masunod ang gusto mo, hindi mo ako mahintay sa hapon… Away ang regalo mo sa kaarawan ko!

Pero makulit ako, at gusto talaga kitang makita at makausap nung araw na un… Umaasa akong baka sakali sa kaarawan ko eh magkakaayos tayo… Matapos ang kumpromiso ko nung araw na un, tinawagan kita. Alam ko ganung oras ang gising mo, kaya umaasa ako na sasagot ka. Pero patay ang celfone mo, “the subscriber can not be reached!” Alam kong pinatay mo ang celfone mo dahil nung mag away tayo nung umaga, sinabi ko sa ‘yo na magttry akong tumawag at pag hindi mo sinagot, ikaw na talaga ang tumapos sa anu mang pag asang natitira na magkaayos tayo… Ilang beses ko sinubukan na tumawag at kumontak sa ‘yo. Pero talagang patay ang celfone mo, natakot ako na baka nagpalit ka na talaga ng number… Kaya kahit nag aalangan, pumunta ako sa bahay nyo, hindi sigurado kung aabutan kita doon. Pero mas malakas ang kaba ko na baka mawala ang tanging pag asa na makasama ulit kita sa buhay ko. Kaya pinuntahan kita! Magkahalong takot, kaba, excitement at pag asa. Hindi ko alam kung ano ang aasahan dahil halos dalawang buwan na tayong hindi nagkikita at nag uusap ng personal. Natakot din ako na baka madatnan ko rin ang “bago” mo sa inyo. Pero alam ko sa sarili ko na Mahal kita at gusto kong magkabalikan tayo, kaya pinuntahan kita sa kabila ng mga pangamba…

Wala ka sa bahay nung ako’y pumunta. Alam ko kung saan ka matatagpuan, ilang buwan din tayong nagsama bilang mag-asawa, kaya siguro naman alam ko kung saan ka pupuntahan kung wala ka sa bahay. Maliban na lang kung sinadya mong magtago sa akin nung araw na un… Pero tama ako…
Nagulat ka nung kalabitin kita habang naglalaro sa computer shop malapit sa inyo. Binati pa ako ng mga kasama mo sa bahay na kasama mo ring naglalaro dun. Tumango lang ako sa kanila, ikaw ang nais kong makita at makausap nung mga pagkakataong iyon. Nabanggit mo pa sa kanila na birthday ko nung araw na un… Napansin nila na pumayat ako… Dahil un sa kaiisip ko sa ‘yo…  Hindi katulad nung panahong magkasama pa tayo, na kapwa tayo nanaba at lumobo… Masaya tayo noon, pagkakaalam ko at alam ko na nadama mo rin yun…

Nagpaalam ka sa mga kalaro mo on line at niyaya mo ako sa bahay… Sa tinagal tagal ng pagtitiis ko, makakausap na ulit kita. Matatapos na ang matagal kong paghihirap at pangungulila sa ‘yo. Makakasama na ulit kita at magkakaayos na muli tayo. Maitatama ko na rin ang pag iwan ko sa ‘yo nung una. Makakabawi na rin ako sa pag titiis mo nung nagsasama pa tayo. Masaya tayo noon kahit salat sa pera minsan. Pero mababago na lahat yun. Magkakasama na ulit tayo sa pangangarap at sa pagtupad ng mga yaon. Mararanasan ko na rin ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko na kasama ka! Magiging masaya na ulit tayo!

Ang saya, saya!
Akala ko lang pala…

Ang inakala ko lahat na magaganap, ay taliwas pala…
Oo nga niyaya mo ako sa bahay at kinausap, pero para ano?
Para muli lang ipahiya…
Naroon ako, tiklop at tupe sa ‘yo na nakikiusap…
Nung umaga, gusto mo akong makita at nagagalit ka pa na hindi kita agad pinuntahan. Sinabi ko naman sa ‘yo na siguradong pupuntahan kita sa hapon at tinupad ko ang sinabi ko. Sabi mo wala na, tapos na! Dapat kanina pa!
Ganun lang ba ika ko kadali magbago ang isip mo? Kanina lang eh gusto mo, mamya nang kaunti eh ayaw mo na?! Akala mo kasi eh pinaasa lang kita na pupunta ako gaya ng naisip mo na ginawa ko dun sa dati ko. Pero alam mo naman na iba ka sa kanya, ikaw sa akin may halaga, sya wala. Alam mo naman yun.
Pero sadyang matigas ka talaga, binabalik mo sa akin ang hindi ko pagsundo sa ‘yo nung umaga. Napaka unreasonable mo naman, ano bang napakalaking kaibahan ng oras nay un? Ganung alam naman nating dalawa na wala ka naming importanteng pupuntahan ngayong hapon para ipilit mong nung umaga kita puntahan. Besides, sinabi ko na sa ‘yo na ang importanteng dahilan kung bakit. Kung uubra naman eh, alam mong mabilis pa sa alas kwatro eh lilipad ako patungo sa ‘yo. Pinaliwanag ko rin naman sa ‘yong isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkasira noon ay dahil sa ugali kong ganun. Masyado ko na obsessed sa ‘yo. Bawat oras ko nasa iyo na, ikaw ang naging priority ko. Nalimutan ko ang mas importanteng bagay na dapat na inuna ko. Kaya lumubog ako. Alam ko na alam mo un, ikaw pa mismo ang nagpayo sa akin na iset ko ang priority ko, tapos nagagalit ka bakit hindi kita inuna kaninang umaga? By naman!

Pero ano pa ba ang magagawa ko? Sadyang sarado ang isip mo. Imbes na kausapin mo ako at ayusin natin ang relasyon natin, pinahiya mo na naman ako. Hinamak at pinasakitan ulit. Sinumbat mo sa akin na dapat nung mga pagkakataong tumawag ka at una mo kong pinapunta sa bahay eh, dapat nagkaayos na tayo. September 16 ata ika mo un, birthday pa ata ni Mommy. Abot langit tuloy ang pagsisisi ko nung marinig ko un sa mga labi mo. Pero ano pa ba ang magagawa? Ika ko… Tapos na ang pagkakataong un eh at hindi na maibabalik, pero itong ngayon, pwede pa gawan ng paraan, kausapin mo lang ako ng ayos… Pero sadyang ganun yata talaga, galit at pagganti lang yata talaga ang dahilan kung bakit mo ko gustong makita nung umaga… Kasi ano ba ang napakalaking diprensya sa kanina ngayon? Andito na ko… Pero imbes na makipag usap ka, parang aso mo akong pinasunod sa yo kung saan ka magpunta… Alis ka ng alis at sabi mo ayaw mo na ako makausap, pero makulit pa rin ako dahil gusto ko talagang magka ayos na tayo. Pero mayabang ka talaga at mapaghiganti… Sinigawan mo pa ako at pinahiya sa harap ng mga kakilala natin. Sabi mo pa na umuwi na ako at baka makita ko pa ang jowa mo.
Anak ng pusang galang hindi mapaitlog, Oo!
May jowa ka na palang bago, tapos nagpapasundo ka pa sa akin at balak makipaglandian nung umaga, naisip ko.
Hindi ko na tuloy talaga alam nung pagkakataong un kung ano na nman talaga ang dahilan mo kung bakit gusto mo ako makita. Malupit ka talaga!
Pero tupe talaga ako sa ‘yo, hinabol at kinulit pa rin kita na mag usap tayo. Halos magmakaawa na ako sa yo, pero ganun ka yata talaga, nagpapakumbaba na ang tao, sininghalan mo pa. Sinabi mong umuwi na ako! At yun ang ginawa mo, kung naiba iba ka lang talaga…

Nasaktan ako, pati ang ego ko. Dahil lang sa ‘yo hinayaan kong mapahiya at mahiyawan… pero talagang ganyan, minahal kita eh…Pero tinapakan mo ang ego ko, dinown mo ako…
Naging immature ako, sa pagkapahiya ko at pagka bitter ko, dahil na rin sa frustration ko na magkabalikan tayo, nagalit ako. Ipinamukha ko sa ‘yo ang estado at kalagayan mo sa pamamagitan ng pag txt sa ‘yo. Akala ko nga nagpalit ka na ng number gaya ng sabi mo, pero nag riring pa rin ung dati mong number kaya na confirm ko na nakakarating mga msgs ko sa ‘yo. Ginalit kita sa mga txt ko, at nagtagumpay ako. Nagalit ka, pero un ba talaga ang gusto ko?
Hindi!
Ang gusto ko lang makuha ang attention mo kahit sa anong paraan. I’m being pathetic & pitiful at that time, na para ng nanglilimos ng atensyon mo. Hanggang sa tuluyan ka na ngang nagalit at nagpalit ng number. Hindi na kita macontact o matxt man lang. Tintxt ko pa rin ung luma mong number, umaasang baka tinago mo lang un, at binubuksan pa minsan minsan. Wala ng mga hateful msgs, puro pagsisisi na lang na sana hindi na kita ginalit. Pouring out my heart na lang sa mga txt about how I still feel for you. Every txt ko, nakaforward dun sa isang number na ginamit mo nung mag away tayo. I still txt that number of messages for you. Later on nalaman ko na kay Mommy pala ung number na un. Pero ever since wala ko natanggap na reply mula sa number ni Mommy, wondering if my messages ever reach you.

Sinubukan ko ring alamin kung nagbago ka na talaga ng number. Base dun sa huli nating pag-uusap, este pang-aaway mo sa kin, nabanggit mo na nabasag ang fone mo at nanghihiram ka lang kamo ng fone. Nung tinanong ko ang dahilan, nahulog ka kamo sa hagdan dahil sa kalasingan. Un ba naman eh kelangan mo pa sabihin sa akin nung pagkakataong un? Sinubukan kong alamin ang bago mong number mula sa mga common acquaintances natin, mga taong alam kong somehow knows someone who’s somewhat connected to you. The closest lead I got was wala ka na raw fone, nawala daw nasira. I don’t know kung talagang ayaw mo ipaalam dahil alam mong malalaman ko at kukulitin ulit kita. Eh ano magagawa ko eh mahal talaga kita at gusto kitang makausap.

Siguro nga ayaw mo ng malaman ko ang number mo, pero nagtagumpay ako na maiparating sa ‘yo ang mensahe ko na gusto kong makipag usap sau na inaalam ko ang number mo. Base dun sa tropa, pwede daw ako pumunta jan sa bahay, sumabay daw ako sa kanya pag punta nya. Kilala mo sinasabi ko. Pero nung araw na pupunta sana ako, naka receive ako ng msg sa kanya na huwag na raw ako tumuloy. Tinanong ko kung bakit. Nabad trip ka daw sa kanya dahil sa pangungulit at pag banggit nya ng pangalan ko sa ‘yo. Pati daw cla ng GF nya eh nag away dahil kinukulit ka nya. O dib a, kahit malayo ako nakukulit kita, kasi By mahal kita at gusto ko talagang magkabalikan tayo. Iniisip ko nga minsan na pumunta na lang kaya ako jan sa bahay nyo, para subukang makipag usap. Pero syempre ayaw ko, gusto ko munang malaman ang mood mo, baka galit ka at ipahiya mo na naman ako… Bato ka eh!

Anyways By, kaya talaga ako sumulat sa ‘yo eh dahil hindi ko na alam kung paano ko ipararating ang nadarama ko sa ‘yo. Lahat na ng takot, itinuro mo sa akin. Sinubukan kong mag PM sa ‘yo sa FB kahit hindi tayo friend. Alam mo kung bakit hindi tayo friends dun. Kasi kahit nung nagsasama pa tayo, hindi pwede, dahil bawal!

Simula’t sapul, alam ko na nagkamali ako ng mahalin kita. Wala naman sa plano ko na ma-inlove sa ‘yo. Dapat nga inadopt ko ung motto ni Tames – “pwede ko magmahal pero hindi ako pwede ma-inlove.”
Nung una ok tayo, walang feelings involved. Casual lang. Masaya naman tayo pareho. Pero dumalas ang pagkikita natin. I made the same mistakes with others before you to get to know the person. I made the effort to get to know you. Hanggang sa unti unti akong na attach sa ‘yo. I don’t know about you, kasi ngayon I’m not sure if all you have shown and told me were true, half truth or whole lies. Ikaw lang makakasagot nun, ikaw lang makakaconfirm, idea and hypothesis lang ang akin. Pero pinanghahawakan ko ung sinabi mo na mahal mo rin ako at naging mahalaga din ako sa ‘yo at some point. Kahit cguro hindi totoo, basta I felt it kahit siguro ilusyon ko lang un. Pero you can’t deny the fact that you enjoyed my company as much as I enjoyed yours. Well, that was then…

Getting back, unti unti na akong na attach sa ‘yo. Paano ba namang hindi, mas madalas pa kitang kasama kaysa kung sino pa man. Ung mga Friday nights ko na dapat spent with my kumpare’s on drinking sessions, were spent entirely with you, malimit hanggang tanghali pa kinabukasan. Malimit paalam ko sa bahay eh, magtatrabaho ako, pero sa ‘yo ko gugulin ang maghapon at magdamag ko. Nung unang mga araw,  may kinakatagpo pa akong iba, pati man ikaw sinabi mo rin na ganun. Pero nung malaon, ikaw na lang exclusive. Pinakilala na nga kita sa close friends ko. Sinasama pa to even some client calls. We never had any worries then, we can go to wherever we want, whenever we want. We always find time to share with each other. I have no care what happens in the world as long as I’m with you. When you felt you have no one left, I was there with you ‘cause I really love spending time with you. I got so attached to you By that I felt that I was beginning to fall for you. I got scared, I never felt like that for a long time. I even got to the point that I felt I was never capable of love, but you changed that. You know that, we had discussed it. I poured out my heart to you, never really cared if you would feel the same, as long as we’re together. Hanggang sa isang araw, kinausap kita tungkol dun. Sinabi ko sa ‘yo na “By, hindi na ko nakikipaglaro sa ‘yo. Talo na ko sa no feelings involved. Serious na ko sa ‘yo. Ako na ang unang aamin sa atin at hindi na ko magpapakaipokrito. I’m falling for you. Kaya kung nagalalaro ka pa rin, tigilan na natin to, dahil mahihirapan lang ako sa huli.” Naalala mo pa ba yan By? Di ba ang sinagot mo sa akin eh , “hindi naman din ako nakikipaglaro sa ‘yo Dear.” I don’t remember if those were your words exactly, pero that’s the point. Hanggang sinabi mo sa akin na mahal mo na rin ako.

May “I love you forever” pa nga dun sa huling txt mo sa akin bago tayo magkasira. Yun ang txt mo nung mag away tayo, dahil gusto mo na akong umuwi after spending the night with you at your place. Kasi nga tanghali na ayaw ko pa umuwi, pero understand naman na I got the flu. Naglambing nga ako na alagaan mo ako like what I do when you’re sick. Pero mas importante sa ‘yo ang ibang bagay kaysa sa akin that time. I will not go on with those details. Umuwi ako nung time na un kahit masama pa pakiramdam ko dahil naiinis ka na, feeling ko nga nagsasawa ka na sa kin. Hindi na ko nangulit dahil I needed rest, I said sorry for pestering you at sa pagmamatigas ko nung una na magstay. You replied with “Sorry din. I love you forever.” Naalala mo pa ba?

Nagkamali ako By, pina ikot ko ang mundo ko sa ‘yo. My whole world. It was like I’m living in my fantasy world that I forgot the real word, my priorities and my responsibilities. Akala ko hindi matatapos. Hindi ko rin napansin na pati ikaw nasasakal ko na. I was always with you, we’re always together. Ginusto ko rin na umikot ang mundo mo sa akin. I got selfish that I forgot other people as long as I’m with you. Hanggang sa I got a wake up call. Reality slowly caught up with me, my projects came tumbling down. My finances slowly deteriorated epekto ng hindi ko pag asikaso sa mga trabaho ko, dahil ikaw ang inaasikaso ko. I got to the point of obsessing about you. Ayaw ko ng mawala ka sa akin, gusto ko lagi kitang kasama. Natakot ako na mawala ka. Nabaliw ako. Nalimutan ko ang ibang aspekto ng buhay ko.

Hanggang sa nagdecide ako na ayusin muna ang buhay ko. I needed time away from you. I know I can not make things right kung lagi kitang kasama. Sabi mo ayusin ko lang ang buhay ko, at hindi ka naman mawawala, anjan ka lang. Pero hindi ko kayang kontrolin ang sarili sa ganun, it’s all or nothing for me. Hindi ako maka concentrate pag ganun, ayaw ko ng minsan lang gusto ko lagi kitang kasama. I got to the point na naparanoid ako pag hindi kita kasama. Ayaw kitang idamay sa pag bagsak ko, kaya nag decide ako na mag let go muna.

First I thought to give you the cold treatment sa txt then eventually build up from there. I can not break up with you. Pero matalas ka, naramdaman mo agad ung cold treatment. Kaya sinabi mo sa akin na kung gusto kong kumalas sa ‘yo sabihin ko na AGAD, in capital letters pa ang text mo. Kaya inamin ko na rin sa ‘yo na kakalas na ako. Ganun naman kasi tayo nung una, prangkahan di ba? Sabi mo nga, ang natutunan mo sa akin eh “Kung gusto, gusto! Kung ayaw, ayaw!” Pero nitong huli, hindi ko na alam kung totoo pa ba ung mga sinabi at pinakita mo sa akin. Ayaw kong maniwala na hindi ka naging totoo sa mga pinakita at pinadama mo, pero sa takbo ng sitwasyon, parang ganun nga. Gusto ko pa rin paniwalaan na totoo ang nangyari sa atin, na totoo ang pinagsamahan natin. Dahil ako naging totoo ako sa lahat ng sinabi at pinakita ko sa ‘yo, alam mo yan simula pa nung una, wala akong tinago sa ‘yo hanggang sa pagdevelop ng damdamin ko sau. Alam mo ang lahat sa akin, hindi ko itago ang sitwasyon ko sa ‘yo…

Sa madaling salita, iniwan kita ng wala tayong pinag-aawayan o pinagtatalunan. Hindi mo na rin sa akin tinanong kung ano ang dahilan, gumawa na lang ako ng alibi. Pero un pa ang isang nagpapa isip sa akin na hindi mo man lang inisip o tinanong ang dahilan, na parang walang importansya sa ‘yo. Sabi mo nasaktan ka sa ginawa ko. Isinumpa mo pa nga ako sa ginawa ko. Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan? Mas ako. Hindi ba ilang beses ko sinabi sa ‘yo na gusto ko na bawiin ang desisyon ko. Pero galit lang ang nanatili sa ‘yo hanggang ngayon. Wala akong ginawang masama sa ‘yo, nagkamali lang ako ng magdesisyon na kumalas sa ‘yo na agad kong binawi, pero para sa ‘yo huli na agad. Hindi mo na ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Akala ko kaya kong ayusin ang buhay ko ng wala ka. Hindi pala, mas masakit pala pag wala ka. Mas hindi ko pala kaya. Sabi mo sa akin, hindi ko alam ang pinagdaanan mo nung nakaraang ilang araw mula ng iwan kita. Hindi ko alam pero may idea ako. Buti nga ikaw ilang araw lang eh, Ako simula noong pagkakataong iyon hangang sa mga sandaling ito, ang sakit sakit pa rin. Hindi pa rin naiibsan, ayaw mo pa ring ibsan. Sabi mo pa deserve ko kung ano man nag nararamdaman kong sakit…

Iniwan kita para ayusin ang buhay at finances ko dahil lumulubog na ako. Pati ikaw di ba, nadadamay na? Gusto ko lang nman mag concentrate, pero pag ok na ako, babalik ako sau. Hindi ba’t sinubukan kong bumalik sa iyo nung ayos na ko. Pero masasakit na saita lamang ang binalik mo sa akin. Wala ng saysay pang balikan ang mga masasakit na sinabi at nagawa na. Sumulat ako sa ‘yo By para sabihin kung ano ang nadarama ko ngayon.

Sorry By for all the things I said, sorry for all the things I’ve done and did not do…
I know all my words can never wash away the pain we felt for the past mistakes, pero hindi rin naman matatanggal ng pagganti mo sa akin ang mga masasakit na nangyari sa atin. Sinubukan kong ayusin kung ano pa ang kayang ayusin sa atin. Kung ano pa ang natitira, hindi ko alam kung may natitira pa jan sa iyo, pero sa akin hindi nabawasan. Ilang beses ko na sinabi sa ‘yo na gusto pa rin kitang makasama sa buhay ko. Kung mapapatawad mo lang talaga ako. Alam ko kung ano ka, at tinanggap ko un nung simula pa. Kinain ko na lahat ng pride ko nung ibigin kita, wala na nga ako tinira. Kung madarama mo lang ang nadarama ko ngayon, hindi mo ako pahihirapan ng ganito. Puro galit na lang ba ang naiwan dyan sa puso mo. Hindi ka ba naging masaya sa pagsasama natin? Hindi kita niloko, lumayo lang ako. Hindi naman kita iiwan kung alam ko na hindi mo kaya… Di ba nagplano tayo noon na kumuha ng sarili mong bahay, tinulungan kita. Pero hindi natuloy dahil ayaw mo. Marami tayong binalak noon, pero hindi natupad dahil ayaw mo, ayaw naman kitang pilitin. Hindi ba’t inaya rin kitang umuwi sa inyo at dun tumugil, pero ayaw mo rin. Gusto ko sanang magsimula ng bagong buhay dun kasama ka, pero ayaw mo, so ano magagawa ko?

Nagtiis ka nung magkasama tayo kahit wala na ako, ngayong kaya ko nang ibigay ang kailangan mo at gusto mo, ayaw mo nman akong tanggapin pabalik dyan sa buhay mo. Kung kelan handa na ako na ipagpalit ang lahat para sa iyo. Aaminin ko na naduwag ako noon, na hindi ako sumugal na isama kita habang inaayos ko ang buhay ko dahil ayaw ko na nagtatalo tayo sa gnung mga bagay.

By, kung bibigyan mo lang sana ako kahit huling pagkakataon, aayusin ko ang lahat para sa atin. Kahit na ano mai-o-offer mo sa akin tatanggapin ko, wag lang pagiging enemy. Kahit na open relationship ayos lang sa akin, wag ka lang mawala sa buhay ko. I know I can work my way from there, wag lang ung ganito. Ikaw na rin mismo nagsabi, alam mo na mahal na mahal kita. Alam ko nadama mo rin un ngayon at nung nagsasama pa tayo. Sabi mo ako lagi ang nananalo sa ating dalawa, pero ang totoo, ako lagi ang sumusuko sa ‘yo. Saan ba tayo nagkamali? Bakit tayo nagkaganito? O ako lang ang nagkamali? Siguro nga, ako ang nagkamali, pero wala na bang pagkakataon para itama ko ang mga pagkakamaling iyon? Sabihin mo at hindi na kita pahihindian ngayon…Pero kung huli na talaga ang lahat para sa akin sa ‘yo, please By, sabihin mo. Kung magkaganun man, hihilingin ko na sana ay maging ayos ka at masaya, dahil ako hindi magiging masaya nang wala ka. Sinabi ko sa ‘yo noon di ba, na talo na ko sa laro natin ng kita’y mahalin? Sana hindi mo tinuloy ang pag lalaro, dahil hindi ako nagbiro sa damdamin ko sa ‘yo.

Ano pa ba ang saysay ng lahat ng ito, malamang bale wala na lahat sa ‘yo ang mga sinasabi ko. Madali mo na lang siguro nalimutan ang ating mga pinagdaanan. Nung mga panahong wala tayong karamay kundi ang isa’t isa. You stood by me and I stood by you during those hard times. And also all the good times we shared, that I thought would never end. I may have left you, but now I regret that more than ever. I should have been tougher, but the past can’t be changed, only our future, if we do something in the present…

By, now I’m paying the high price for my mistakes, alam kong alam mo na totoo ang mga sinsabi ko sa ‘yo. Kung hindi man magbago ang isip at puso mo,sasabihin ko pa rin sa ‘yo kung gaano kita minamahal. Sana nga mabawasan kahit paano ang sakit na naidulot ko sa ‘yo pag malaman mo na nahihirapan ang kalooban ko na wala ka na ngayon sa buhay ko. Hindi ko naman maaring ipilit ang gusto ko at kaisipan ko sa isang tao. Ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo kahit na gustong gusto ko na magkabalikan tayo. It doesn’t work that way. I’ll just continue moving, hoping along the way, chance will do magic and change your mind. Until that day come, I want you to know that I’ll never stop thinking of you… I’ll just be here waiting…



Now I know - You play with fire, you risk the pain of getting burned…



“I had you so many times, but somehow I want more”



By, I really want to make you feel beautiful. Please give me another chance…



Your dear,


Joel




Feb. 24, 2015
By, bago ka mag delete ng account mo if ever, pls. pls. pls. basahin mo muna to... 
nagpalit ka na ba ng numbers mo dahil hindi na kta macontact?
ayaw mo na ba magpakita sa akin? may nagawa na naman ba ako?
anyway, I'll just say to you na pareho na nating gustong ayusin ang buhay natin...
wala ng pagkukunwari to, nung magkaayos tayo at umuwi ka ng pampanga, nagccmula pa lang ulit ako na bumangon, kaya hindi ako makasagot sau tungkol dun sa mga gusto mo. dahil hindi ko pa talaga kaya... kaibahan lang ngaun, nagttrabaho na ko at gumagawa ng paraan, di gaya nung nagssama pa tayo, na naging very lax ako... gusto kitang makasama at sabay nating ayusin ang buhay natin... don't let go of me now By... I need you...
sabi mo, magpapakabait ka na... kung sawa ka na sa nangyayari sa buhay mo, y not give us another try? I'm always willing to... more than willing... please By, don't take the life out of me again... let me know where you are, and that you're ok... pls, By, I'm going out of my mind again...








16 April 2015

By,

sa tinagal tagal ng paghabol at pangungulit ko sa yo, at long last pinansin mo ulit ako at kinausap. una naninibago tayong kapwa sa sitwasyon dahil medyo matagal din tayong nagkalayo... halos lahat ng pangayayri sa buhay ko ay ikinukwento ko sa yo sa mga txt ko sa yo nun, kahit deadma ka lang at walang reply, kaya alam mo kung ano ang nangyayari sa akin. ngunit sa yo wala akong idea what went on to your life this past few months.

so sa madaling salita, we gave ourselves a chance again... you gave me a chance again... we started from going out and talking on what went through with our separate lives then... things started to look good, i guess. I was thankful , very thankful that you're talking to me again. we dated, we go out, but unlike before no hanky panky yet... we were fine, i guess, aside sa madalas mong pang aaway sa akin at pagbalik ng kamalian ko dati... sabi mo, when u're calling in the wee hours, as much as possible, wag ko sagutin, dahil malamang lasing ka na naman at gagawin mo na naman akong outlet ng anger mo...

kaya, one early morning, you were repeatedly calling on my celfone... I ignored a few calls, but the calling kept on, so after maybe 9 or ten calls, I decided to pick up and talk to you...on the other side of the line, I heard you crying at nagtatampo ka na hindi ko sinasagot ang tawag mo at sinabi mong "hindi ko naman dapat seryosohin ung sinabi mong wag kitang sasagutin pag madaling araw ka tumatawag"... hay naku, sino ba mas magulo sa ating dalawa?

pinapunta mo ako sa inyo, at gusto mo kamo akong makausap, importante... dali dali akong pumunta sa inyo. nadatnan kitang nakahiga at umiiyak... medyo nakainom ka kamo at masama ang loob mo dun sa work mo. ayaw mo na kamo ng ganyang buhay at gusto mo ng magbago... natuwa ako sa narinig ko... ayaw mo pa akong paalisin at sabi mo samahan lang kita hanggang sa makatulog ka... sobrang na miss kita By, kaya gustung gusto kitang tabihan sana kahit maghapon, kaso tumakas lang ako sa bahay kaya hindi ako pwedeng magtagal. tinabihan lang kita hanggang sa makatulog ka at umalis na din agad ako...

Natuwa ako sa narinig ko na gusto mo ng magbago at gusto mong iaalis na kita sa gnung buhay mo at sabi mo magpapakabait ka na. lalo na sa akin... natuwa ako pero, natakot din, dahil sa sitwasyon ko ngaun... alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang akuin ngaun dahil nasa financial crisis ako ngaun... hindi kita kayang suportahan ngaun... tapos sumabay pa na may kaso ako.... bakit ba ayaw makisama ng pagkakataon sa ating dalawa... hindi ko muna sinabi sau ang buong katotohanan... sinabi ko lang sau na unti untiin natin...
sorry By, sa sobrang takot ko na mawala ka ulit sa akin, hindi ko sinabi ang buong totoo, sinabi ko lang kung ano muna ang kaya ko... akala ko, i can work my way out of the mess I'm in, in time to set up our life together...

So OK na tau... we're talking and in good terms ulit... hanggang sa tumawag ka ulit at pinapapunta mo ako sa inyo dahil may emergency kamo... dali dali naman akong pumunta sa inyo na halos lumipad ako... pinagmayabang mo pa sa mga kasama mo sa bahay na hindi ko nagagawa sa iba ko ung nagagawa ko para sa yo... alam mo pala By eh, bakit pinahirapan mo ako nang matagal?

So ayun, diniscuss mo sa akin na kailangan nyong lumipat ng bahay dahil  nasabit sa isang problema ung kasama nyo at pati kayo nadamay kaya kailangan nyong umalis sa bahay nyo at maghanap ng ibang malilipatan... so madaling salita, sinamahan kita... pero kailangan ko din umalis na naman agad dahil may mga kumpromiso ako nung araw na un... pero usapan natin, babalitaan mo na lang ako at i uupdate sa kalagayan mo...

then nung gabi nga, eto na, tumatawag ka na. at sinabi mo na nag escalate na ung sitwasyon at hindi na kamo kayo pwedeng mag stay within cavite, kailangan nyo ng lumabas ng cavite... nagpapasundo ka sa akin at nagpapahatid sa terminal ng bus para kamo makauwi kayo sa pampanga... naisip ko nman noon, na humiwalay ka na lang sa mga kasama mo at ihanap na lang kita ng matitigilan dito sa cavite... pero, syempre naisip mo, hindi mo naman pwede iwan ung mga kasama mo...

So ayun ulit, eto ako, punta agad sau... may sususnduin sana ako nung gabing iyon, pero inuna na naman kita. pinaghintay ko ung sususnduin ko hanggang sa masundo at maihatid ko kayo ng mga kasama mo sa istasyon ng bus... mag aalas dose ng hating gabi na yata ako nakabalik dun sa susunduin ko... kung hindi lang talaga kita MAHAL By, oo?

Umuwi ka ng pampanga, hindi sigurado kung saan kayo tutuloy... biglaan, walang kasiguraduhan at wala kayong dalang pera, dahil hindi nga napaghandaan... Umaga... may long bike ride kami ng mga ka grupo ko, kahit hindi ako masyadong nakatulog dahil nga sa sitwasyon mo, tumuloy pa rin ako sa ride namin... eto na nagttxt ka na, nagpapaload ka sa akin dahil may tatawagan ka kamo at ng magawan mo ng paraan kung saan kayo tutuloy... pare pareho na kaung stressed at pagod, kaya mainit na naman ang ulo mo... dahil nasa ride nga ako, medyo natagalan ang pagpapaload ko sau... inaway mo n naman ako sa text... ako na naman ang ginawa mong outlet... hindi tuloy ako maka concentrate sa ride namin dahil naiisip kita...

It was a very long day for the both of us, dahil lahat ng pagod, puyat at hirap na dinanas nyo sa pag aayos ng sitwasyon nyo, eh ako lahat ang ginawa mong outlet... I was at the receiving end of every curse and anger of yours... I explained na wag mo naman sa akin ibunton lahat ng galit mo dahil wala naman akong kinalaman jan sa sitwasyong napasukan nyo, ako pa nga ang tumutulong sa yo eh...  Nagulat ako, tumanggap ka ng paliwanag mula sa akin at nag sorry ka...nagbabago ka na nga ata By...

Dumating ang gabi, while constantly monitoring your condition, tumawag ka sa akin at sinabi mong after all the stress, pagod at puyat nyo, you didn't come to an agreement sa mga kasama mo and you decided to go home to your folks' house... salamat, mapapahinga na rin tayong lahat... you wanted me to accompany even if just on the phone while your travelling there.. at yun ang ginawa ko... pati ako pagod at stressed sa nangyari sa inyo, sa iyo...napaka kulay talaga ng buhay ko pag kasama kita!

Lumagi ka na sa pampanga mula noon, may constant communication at kumustahan tayo... tawag at txt from time to time... lumipas ang ilang linggo, gusto kitang ibalik dito sa cavite kaso ayaw mo... gusto rin kitang iluwas ng manila at dun maghanap ng matutuluyan kaso, krisis nga ako... ang kaya ko lng muna ay suportahan ang basics mo... hindi ka nman humihingi dahil alam kong dumidiskarte ka rin jan... wala namang problema sa akin un dahil thankful nga ako na naging OK ulit tau, kaya hindi na ako nag expect at nagdemand ng kung ano pa man... at isa pa malayo ka at wala naman akong magagawa noon...

pero dumating ang isang araw at sinabi mong sawa ka na jan sa inyo at gustung gusto mo nang lumuwas sa manila o kahit sa cavite... sabi ko gagawan ko ng paraan. sakto namang may naraket ako at sasapat un para sa pang upa mo ng bahay... ayos na sana, nakakagawa na ko ng paraan at dumadating na mga trabaho para sa akin... pero pumutok ang kaso ko at medyo kailangan kong mag laylo... hindi pwedeng lumutang ng lumutang... pero sabi mo na gusto mo na talagang lumuwas....

nagkasundo tayo na unti untiin natin, ihahanap muna kita ng bahay na uupahan bago ako lumayo... sinabi ko sau ang sitwasyon ko, pero hindi ko sinabi sau kung anong kaso ko... maraming beses tayong nagplano na magkikita para ihanap ka ng bahay dito... sa cavite ang napagkasunduan natin... nagkasundo tayo... nagkita tau at naghanap ng bahay, pero bago natin nakuha ung bahay, nag away na naman tayo... ang gusto mo suportahan kita habang andito ka, na hindi ko naman kaya dahil lalayo nga ako. kung sarili ko nga hindi ko alam kung paano ko susuportahan sa tago eh... ang sinabi ko aayusin ko muna place to stay mo bago ako umalis... walang katapusang away at sumbatan na nman ang nangyari sa atin... sobrang sama ng mga nasabi na laging nauungkat ang nakaraan...

nag walk out ka at nagdecide na umuwi ng pampanga, alas diyes na ng gabi un, magkatxt pa rin tayo sa phone at nag aaway... pinaliwanag ko sau ang side ko kaso, sarado isip mo... away pa rin tayo... hanggang sa nagsawa na ko at nagpaalam na ako sau... pinaliwanag ko sau na kung ayaw mo kumuha ng bahay, hindi naman kita pipilitin... ibibigay ko na lang sana ung pang upa sa yo para may magamit ka at ikaw na lang magdecide kung ano ang gagawin mo, dahil malalayo nga ako...

nasa terminal ka na ng bus pa pampanga ng magbago ang isip mo at sabi mo kukunin mo na lang ung dapat na ibibigay ko sau... nanibago ako sa u, sa unang pagkakataon, kinain mo ang pride mo at pinakita mo un sa akin... sobrang dami ng sinabi mo sa akin, pero eto ka at kukunin mo ung dapat na ibibigay ko sau...

bumalik ka para kunin ang pera, tumatawag at nag ttxt ka sa akin habang daan mo para sabihin kung saan tayo magkikita... sa sakit ng nadarama ko, naisip ko na wag ka siputin... pero hindi tlaga kita matiis... naisip ko na talagang kailangan mo kaya nagawa mong lunukin ang pride mo... kaya kahit ganun, nagdecide ako na puntahan ka... hindi mo lang alam, ngaun ko lang sasabihin, na kailangang kailangan ko din ung pera na un, kaya nagdalawang isip ako... pero mas matimbang ka talaga sa kin, MAHAL KITA By eh... pinuntahan kita at ibinigay ang pera na sana ay gagamitin ko sa pag aayos ng gusot ko....

nung makita ko ang itsura mo nung gabing iyon, pagod, namumugto ang mata sa pag iyak, nadurog ang puso ko... hindi ko kayang makita ko na gnun ka... isang matapang at proud na babae, hindi ko inaakala na makikita kitang gnun, at ayaw ko... nag usap tayo, medyo matagal... hindi maiwasan na maibalik ang mga mali ng nakaraan... maraming beses na akong humingi ng tawad at ayaw ko ng balikan ang mga mali natin nung una... nagkapatawaran tayo... mabait ka na sa akin By... minsan naisip ko na sana lagi ka na lang gnun para hindi mo na ako inaaway, mabait ka na sa akin, at nakakausap na kita ng maayos... pero syempre, ayaw kong ganun ka, mas gusgustuhin ko pang inaaway mo ako at sinusungitan kaysa makita kitang malungkot at nasasaktan... ramdam ko ang takot at sakit ng damdamin mo noon, at ayaw kong nakikitang gnun ka... nadudurog ang puso ko By....


natapos ang usapan natin, nagkapaalaman tayo... sabi ko sau hindi muna ako magpaparamdam sa u dahil aayusin ko muna ang buhay ko, pero babalikan kita once maayos ko na... ang sabi mo wag!, sabi mo mag paramdam ako sau kahit papano... so pumayag ako, kasi alam ko din sa sarili ko na hindi ko kayang hindi mag txt man lang sau... naging maayos tayo nung gabing un, for the first time nakausap kita ng maayos at seryoso...

uuwi ka na ng pampanga kinabukasan, kaso hindi ko matiis na hindi ka makita at magpaalam sau bago ka umalis. gumawa ako ng dahilan para makita ka at makapag paalam man lang sau...
tinawagan kita at nagkita tau... inabutan pa kita ng dagdag na panggastos mo... huling pera ko na yun, pero naisip ko na mas madali naman akong makagawa ng paraan kaysa sau... saka hindi talaga kita matiis eh... sa paalaman natin, pinangako ko sau na kahit maging matanda ka na at kahit na ano ang maging itusra at kondisyon mo, hahanapin pa rin kita at gugustuhing makasama sa buhay ko... natawa ka lang at sinabing ano ang gagawin natin kung matatanda na tayo? ang sabi ko, magkukulitan lang tayo at mag aasaran araw araw, gaya nung  ginagawa natin dati... wala na siguro tayong sex nun, kasi hindi mo na kaya, biro ko pa... masaya na naman tayo nung pagkakataong un... sinabi ko sa yo ang mga plano ko at sinabi kong hindi ako nagbibiro... sinabi mo ring maghihintay ka at hindi ka rin nagbibiro... masaya akong marinig un sa mga labi mo... pwede na kong mamatay sa mga panahong un...

umalis na ako, hindi ko na hinintay na sumakay ka ng bus... nag txt txt na lang tau, alam ko matagal na ulit kita makikita. nangingilid ang luha ko sa mata habang naiisip ko un... sa maikling panahon ang dami ulit nangyari sa atin... ewan ko ba kung bakit ayaw makisama ng pagkakataon sa ating dalawa? parang ayaw na magkasama ulit tayo...

lumipas ang mga araw at linggo, nakuntento ako sa tawag at txt lang sa pagitan nating dalawa... araw araw hinahanap kita, namimiss... kahit nung mga panahong nag hiwalay tayo, hindi ako tumigil ng pagmamahal at pangungulila sa yo... lalo na ngaung nagkaayos na tayo ngunit malayo sa isa't isa...

lumipas pa ang ilang araw, tumawag ako, the usuals... pero biniro kita na lumabas naman tayo minsan... hindi ko inaasahan na papayag ka dahil malayo ka nga at isa pa, nagbibiro lang ako dahil wala nga rin akong pera nung pagkakataong un... pero sumagot ka ng oo, at nag set tayo ng petsa kung kelan tayo lalabas. nagkasundo tayo na magkikita sa manila... naku, sabi ko lagot, napasubo na naman ako... kailangan ko tuloy gumawa ng paraan para magkaroon ng panggastos...

palapit ang araw ng napagkasunduan, pero hindi ako nag fofollow up sau... akala ko nga nalimutan mo na rin... dumating ang araw, pero hindi tayo natuloy, akala ko biro lang din sau un... pero nung mag usap tayo ulit at sabi mo "akala ko ba idedate mo ako?" sabi ko, naku patay, naalala mo pala... sinagot kita na hindi ko tinuloy dahil malabo ang usapan, sabi ko mag set tau ng mas planado para matuloy na... pumayag ka at nag set ulit tayo ng petsa, nagkasundo tayo na manonood ng sine... saka gusto ko overnight para maka score ka ulit sa akin, hehehe...

palapit ulit ang araw, nag follow up na ko sau, dahil gusto na rin kitang makita... wala pa rin akong pera, pero bahala na... nagkasundo tayo, pero nabago ang petsa, pero siniguro ko na tuloy na at dadating ka... inasure mo rin sa akin na matutuloy at pupunta ka...

dumating ang araw ng pagkikita... nagtxt ka at nagtanong kung tutuloy ka pa? naliligo ako noon at nadismaya sa txt mo, sabi ko mukhang malabo na nman to... pero tinxt kita at sinabing tuloy at wag mo ko iindianin...
sabi mo tinatamad ka at sabi  mo tawagan kita at ayaw mo ng txt lng ako sasagot... naliligo pa ako, kaya hindi kita matawagan agad... nagdadahilan ka na naman para hindi tayo matuloy... tumawag ako at kinumbinsi kita na tumuloy na... nakumbinsi naman kita kahit naiinis ka at tinatamad ka kamo talaga...

nag ayos ka na at umalis sa inyo... pumunta naman sako dun sa isang raket ko para dumiskarte ng pera... habang naghihintay, nagtxt ka at pinag mumura mo ako sa txt... sabi mo ang tagal mo ng naghihintay ng bus [pero wala kang masakyan, puro puno at tayuan... nabubusit ka kamo at naiinis sa akin kung bakit pa kita pinilit pumunta... pinaliwanag ko naman na matagal na nating usapan un... masakit na kamo ang mga binti mo at nagugutom ka na, panay pa rin ang mura mo sa akin at tinawagan mo pa ako para lang murahin... Ang bait mo talaga sa akin By! sabi mo pa sa cubao na lang kita sunduin dahil un lang kamo ang bus na medyo maluwag na masasakyan mo... sabi ko kahit jan sa pampanga, susunduin kita... sa madaling salita, nakasakay ka na at nagbyahe....

naghintay ako ng txt mo, at pagkatapos ng halos dalawang oras, sabi mo malapit ka na at umalis na ko para sunduin ka sa cubao... umalis agad ako, nasa taguig ako...
inabot ako ng traffic sa edsa at halos 2 oras din inabot ng byahe ko papuntang cubao... nagtataka ako na sa byahe ko at pag dating sa farmers plaza, wala akong natanggap na txt sau, gayung sabi mo eh malapit ka na, nkalipas na ang 2 oras nun ng mag txt ka. eh sa inis mo kanina, alam kong lalo kang maiinis kung ma late pa ako... pero wala akong txt na natanggap, naisip ko tuloy gumanti ka, hindi ka tumuloy magbyahe , tapos pinapunta mo ako ng cubao para inisin lng din...

Hindi na ko nakatiis, tinxt at tinawagan kita... hindi ka sumasagot, lalong lumakas ang hinala ko... pero sumagit ka rin, sininghalan mo na naman ako... I love you talaga By... natraffic ka din pala...

sinundo kita sa bus station matapos ang maliit na away ulit natin, syempre ako na nman ang sumuko, ano pa ba ang bago?   nagkita tayo malapit sa bus station na binabaan mo, nagtaxi tayo pabalik sa kung saan nakaparada ang jeep ko... kumalma ka naman at naging ok na ulit tayo... Nag kwetuhan tayo at kumain dahil pareho na tayong gutom.... hindi na tayo makakanood ng sine dahil pasado alas diyes na at ayaw mo na rin nman, kaya nag food trip na lang tayo...

matapos un, nagpunta tayo sa baclaran para bumili ng tsinelas pamalit sa heels mo... bakit ba naman kasi nag suot ng "tiis-ganda" eh ako lang nman ang kasama, alam nya naman  na makasama ko lang cya solved na ko... matapos bumili, nag punta tayo sa malimit natin tambayan nung nagsasam pa tayo, sa bahay na walang kusina at may salamin sa kisame... masaya ko ng gabing yun dahil magkasama ulit tayo...

sa loob, madami tayong pinag usapan pero halos kwentuhan lang at mga bagay bagay, walang seryoso...
nung dumating ang pagkakataon na magkatabi na tayo, naninbago tayo kapwa.. lalo na ako, marami ng nagbago sa ating dalawa, lalo na sau... medyo nagkailangan pa tayo ng konti...
hindi ko na idedetalye, pero sa madaling salita, nangyari ang dapat MGA mangyari... at alam mong hindi pwede sa akin ang isa lang, hehehe...

naging masaya ako na nagkasama ulit tayo, gang umaga.. ayaw ko pa ngang humiwalay sau pero, kailangan nang umuwi ng By ko para makapag pahinga...
goodbye again, umuwi ka at inihatid kita sa sakayan ng bus, sa cubao... magkahiwalay na naman tayo...

txt at tawag na naman ang sabi ko na meron tayo... ganun talaga!

pero nitong mga nakalipas na mga araw, hindi mo na ako sinasagot sa txt or pm sa fb... ang tagal mo na rin sagutin ang tawag ko... hanggang nung isang araw, hindi mo talaga ako sinagot, kahit sa txt kahit tawag....
nabuwang na naman ako, inisip ko tuloy kung ano na nman ang nagawa o nasabi kong mali sau...

tumawag ulit ako at sinagot mo naman, nagdahilan ka, alam kong nagdahilan ka lang... hindi naman ako manhid By para hindi maramdaman... hindi mo naman sinasabi ang totoong dahilan kung bakit nanlalamig ka na nman sa akin...

kinulit pa rin kita, at sinabi mong wag na akong mag alala, dahil gaya ng lagi mong sinasabi, anjan ka lang kamo, hindi ka mawawala... kumalma naman ako pero iba pa rin ang pakiramdam ko....

hanggang sa lumipas na araw nga gnun na naman, nasasaktan ako na hindi mo ako pinapansin ulit... hindi ko naman alam ang dahilan at ayaw mo namang sabihin... sabay sabay na ang problema ko, nagkakaganyan ka pa By...


deadma na naman ako sau... di ko alam kung bakit....


sana sa susunod na kabanata ng masalimuot nating istorya, pag naayos ko na ang lahat, at nai set up ko na ang mga kailangang ayusin, sana magkita pa ulit tayo... at sana mahalin mo na rin ako ng totoo... handa na akong manahimik sa piling mo By... pero ikaw parang hindi ka pa sawang mag enjoy eh... kaya hihintayin na lang kita... sana sa pag dating ng panahong un, ipakilala mo na rin sa akin ung tunay na Nichol Jane Lacuban Rivera... ung tunay na ikaw By....

mahal na mahal kita By...

ang iyong Dear,

Joel



No comments:

Post a Comment